-- Advertisements --
image 43

Idineklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang dalawang indibidwal bilang mga terorista na konektado umano sa Dawlah Islamiyah-Maute Group.

Base sa ATC Resolution No. 42 na inaprubahan noong Hulyo 26, idineklarang terorista ng konseho sina Hafida Romato Maute (Kadija Maute, Khadeejah Hamal, Dra, or Tahera) at Nahara Khairiya Sittie Hamim.

Ayon sa konseho, si Hafida ay ang maybahay ng dating Amir ng Islamic State-East Asia na si Abu Zacharia.

Ang paglabag na nagawa umano ni Hafida sa ilalim ng Anti-Terrorism Act (ATA) ay paggawa ng terorismo, pagpaplano, pagsasanay, paghahanda at kasabwat sa paggawa ng terorismo.

Samantala, ayon sa ATC si Nahara naman ay ang maybahay ng sub-leader ng grupo at finance and logistics officer na si Abu Mursid o Morsid.

Nilabag din nito ang ATA dahil sa paggawa ng terorismo.

Napagalaman din na ang dalawang indibidwal ay may personal na kaalaman at present sa lugar kung saan plinano ng grupo ang pagsasagawa ng pambobomba.

Kung saan nakumpiska sa mga ito ang mga baril, pampasabog, mga gamit sa paglikha ng bomba nang isilbi ang warrant of arrest laban sa mga ito.

Una rito, idineklara na rin noon mg ATC bilang terorista ang Maute Group, na nasa likod ng Marawi siege noong 2017