Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang empleyado ng Kamara, ayon kay Secretary General Josey Luis Montales.

Ayon kay Montales, isa sa bagong COVID-19 patients ay nagtatrabaho sa House Printing Office; at ang isa naman ay sa Enegineering Departments.

Napag-alaman na mag-asawa ang dalawang nagpositibong House employees.

Sa isang panayam, sinabi ni Montales na huling pumasok sa kanilang trabaho ang dalawang pasyente noong Mayo 28.

Mababatid na noong Marso isang empleyado rin ng House Printing Office ang pumanaw noong Marso dahil sa COVID-19.