LA UNION – Sugatan ang dalawang driver matapos magsalpukan ang minanehong motorsiklo.

Nangyari ang insidente sa Barangay San Benito Sur, Aringay, La Union bandang alas 5:15 kahapon .

Nakilala ang mga biktima na sina Mark Bryan Munar, 31, may asawa, residente ng San Benito Norte, Aringay at Fermin Calica, 27, binata, at residente ng Barangay Pudoc, Bauang, La Union.

Base sa report, parehong direksiyon ang tinatahak ng dalawang motorsiklo nang mangyari ang banggaan ng mga ito.

Ang mga biktima ay kapwa dinala sa pinakalamalapit na pagamutan.