Itinakda ng Canadian-American rock star na si Alanis Morissette ang pangalawang concert nito sa bansa sa darating na Abril.

Sa anunsyo ng concert producer, bahagi ito ng 25th anniversary celebration ni Morissette para sa kanyang “Jagged Little Pill” album.

-- Advertisement --

Gaganapin ang concert ng seven-time Grammy winner sa April 6 sa MOA Arena.

Nagkakahalaga ang concert ticket mula P2,700 hanggang P12,700.

Kabilang sa hit alternative-rock songs ni Morissette ay ang “Ironic,” “Hand in My Pocket,” “Head Over Feet,” “Thank You,” “You Oughta Know,” at “You Learn.”

Unang pinasaya ng 45-year-old singer ang mga Pinoy fans noon pang 1996.