-- Advertisements --

Dalawang Chinese research vessel ang namataan sa Philippine Rise na nasasakupan ng silangang bahagi ng Luzon.

Ito ang kinumpirma ni Northern Luzon Commnd Chief Itgen Ferny Buca kung saan may na-monitor aniya sila na dalawang barko ng China sa naturang rehiyon.

Una nang sinabi ng American Maritime Expert na si Ray Powell, ang naturang mga barko ng China ay namataan sa bahagi ng Northeast Corner ng Philippine Rise sa loob ng Exclusive Economic Zone ng ating bansa.

Gamit ang mga satellite image ay inihayag ni Powell na ang dalawang barko ng China ay nagmula sa longxue island sa Guangzhou noong Pebrero 26 at naglayag patungong east southeast sa pamamagitan ng Luzon strait.

Samantala, kaugnay nito ay sinabi naman ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na kasalukuyan na nilang bineberipika ang naturang ulat. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)