-- Advertisements --

Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang puganteng Chinese na wanted sa kanilang bansa ng economic crimes.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang isang Chinese national na si Chen Yanhua, 56 ay naaresto sa isang five-star hotel sa Parañaque City ng BI fugitive search unit (FSU).

Si Chen ay isa sa pitong Chinese fugitives na nais ng kanilang bansa na maaresto at ma-deport noong Setyembre dahil sa kinasasangkutang economic crimes.

Dahil dito, inirekomenda na BI board of commissioners ang summary deportation sa banyaga at iba-blacklist na rin ito.

Samantala, ayon kay BI FSU Chief Bobby Raquepo naaresto rin si Xu Xiaojun, 34, sa isang restaurant sa Baclaran, Parañaque.

Sangkot daw ang suspek sa bank card fraud sa kanyang bansa na mayroong millions ng Yuans ng damages.

Nakaditine na ang dalawang Chinese sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.