Hawak ngayon ng Officers of the Bureau of Immigration (BI) ang pagkaaresto sa dalawang Chinese nationals dahil umano sa panggagahasa.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang mga suspek ay sina Liu Yong, 28 at Sun Laizheng, 35 na inaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa Article 266 o Anti-Rape Law.
Ayon kay Tansingco, ang dalawang banyaga ay nasa bansa noon pang 2018 at 2019.
Nilabag din umano ng mga naarestong banyaga ang kondisyon at limitasyon ng kanilang pananatili dito sa bansa bilang non-immigrants, pagiging public charge at ang pagiging banta raw sa publiko dahil na rin sa kinahaharap na kaso.
Paliwanag ni Tansingco, malaki raw banta ang mga banyaga sa mga kababaihan at sa mga kabataan.
Wala raw puwang sa ating lipunan ang ganitong klase ng banyaga.
Dahil dito, tiniyak rin ng BI ang koordinasyon sa mga law enforcement agencies sa kanilang adbokasiya sa komunidad para sa mga Pinoy.
Sa ngayon ay nakaditine si Liu at Sun sa BI detention center sa Taguig habang nagpapatuloy ang deportation proceedings.