Arestado ang dalawang Chinese ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group dahil sa pagdukot sa kapwa nila Chinese.
Ayon kay Luzon PNP AKG field unit commander Police Lt. Col. Villaflor Banawagan, miyembro ng loan shark syndicate ang mga suspek na sina Wan Renhong at Wan Liang.
Base sa sinumpaang salaysay ng na rescue na biktima na si Wang Hong, natalo siya sa sugal noong December 4 at nangutang ng P1 Million na may tubo na 15 percent kapag siya ay mananalo sa sugal.
December 8 habang naka check in siya sa Baymont Hotel, nagbanta ang mga kidnapper na kung hindi makakapagbayad ang biktima ay papatayin nila ito.
Nagawa naman ng biktima na makapagpadala pa ng message sa kaibigan niya sa kanyang lokasyon na naging susi para matunton ng mga pulis ang kinaroroonan ng mga suspek.
Kahapon, sumailalim na ang mga suspek sa inquest proceeding sa DOJ na nahaharap sa kasong kidnapping for ransom with serious illegal detention.