Sinibak sa pwesto ang dalawang pulis mula General Trias, Cavite na sangkot sa pambubugbog umano sa isang residenteng lumabag sa quarantine protocols kamakailan.
Ayon kay police Lt. Col. Marlon Solero, hepe ng General Trias Police, pagbibigay daan sa impartial investigation sa Calabarzon Police – Internal Affairs Service ang pag-relieve sa dalawang pulis.
Una nang itinanggi ni Cavite Provincial Police Office director police Col. Marlon Santos ang paratang ng isang Roland Campo.
Depensa ng opisyal, ilang beses sinubukan ng nagrereklamo na tumakas habang nasa tanggapan ng Municipal Police Station.
Muntik pa raw itong mang-hostage ng isang babae, dulot din ng kalasingan.
Hinuli si Campo noong May 13 dahil sa sinasabing paglabag sa liqour ban, curfew at quarantine pass.
Patung-patong na reklamo ang hinaharap ngayon ng nagreklamong si Campo.