-- Advertisements --
Umakyat na sa 370,028 ang kabuuang bilang ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa bansa.
Ito’y matapos nadagdag ngayong maulan na araw ng Linggo ang 2,223 panibagong kaso ng COVID-19.
Nitong hapon, sinabi ng Department of Health na 43 ang panibagong nasawi, dahilan upang lumobo pa sa 6,977 ang death toll sa Pilipinas.
Nakapagtala rin naman ng 14,944 new recoveries.