-- Advertisements --
Hinatulan ng parusang kamatayan ang dalawang Briton at isang Morocan na naaresto ng mga sundalo ng Russia.
Naaresto sina Aiden Aslin, 28, ng Nottinghamshire, Shaun Pinner, 48, ng Bedfordshire, at Moroccan national na si Saaudun Brahim habang sila ay nasa Ukraine.
Dinala ang mga ito sa korte ng Donetsk People’s Republic na pinamumunuan ng mga pro-Russian rebels.
Ang nasabing korte ay hindi kinilala sa mundo kung saan sinampahan umano ang mga ito ng pagiging mercenaries.
Iginiit naman ng mga kaanak nito na sila ay mga sundalo ng Ukraine.