CENTRAL MINDANAO – Kinuha na ng pamilya ang bangkay ng dalawa katao na pinatay sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga biktima na sina Giovanni Mark Palanca, 40, mekaniko at ang kanyang live-in partner na si Eilene Capilitan, 28, mga residente ng Matina, Davao City.
Ayon kay Datu Odin Sinsuat, chief of police Lieutenant Colonel Assir Balindong na mismong ama ni Giovanni na si Antonio Palanca ang kumilala sa bangkay ng mga biktima.
Ayon kay Palanca na makipagkita umano ang kanyang anak sa kanyang kaibigan at sumama ang kanyang live-in partner.
Mula noon ay hindi na ito nakauwi at nakatanggap ang ama ng balita na itoy pinatay sa Maguindanao.
Matatandaan na nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga residente sa gilid ng national highway sa Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Dalawang hindi matukoy na sasakyan ang mabilis na umalis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.
Nang magresponde ang mga pulis at opisyal ng Barangay nadatnan nilang nakahandusay ang mga biktima at tadtad ng tama ng bala ng baril.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang mga suspek at motibo sa pagpaslang sa mag-live-in partner.










