-- Advertisements --
Napabilang ang dalawang sikat na beach resort sa listahan ng World’s 50 Best Beaches.
Ang listahan ay napili sa pamamagitan ng panel of judges ng beach ambassadors.
Napabilang ang Entalula Beach sa El Nido, Palawan na nasa pangalawang puwesto.
Dahil dito ay naungusan nito ang Bang Bao Beach sa Thailand at nasa likod nito ang Cala Goloritze sa Italy.
Pinuri nila ang Entalula Beach dahil sa natural na kagandahan nito.
Nasa pang-38 na puwesto naman ang Bon Bon Beach sa Romblon.
Habang ang Bon Bon Beach ay pinuri dhail sa kakaibang natural na sandbar nito na patungo sa Bangug Island.