BUTUAN CITY – Patay na ng matagpuan kahapon ang dalawang mga batang lalaki na una ng malunod nitong Biyernes ng alas-tres ng hapon habang namingwit at naligo sa Agusan River partikular sa Purok 5, Brgy. Bit-os nitong lungsod ng Butuan.
Ayon kay Kapitan Imelda Sheila Fontimar, isinasalaysay sa kanya ng survivor na batang babae na una umanong nalunod ang 8-anyos na si CJ na daling iniligtas ng 13-anyos na si Mark Kyle at kaagad namang sinubukang iligtas ng batang babae na malulunod na din sana, ngunit daling nailigtas ng mga taong nasa gilid ng ilog.
Natagpuan kahapon ng alas-kwatro ng madaling araw sa mismong parte ng ilog kung saan sila malunod, ang isa sa mga biktima na sinundan naman ng isa pa.
Dahil sa naturang insidente, nanawagan si Kapitan Fontimar sa lahat ng mga magulang na i-monitor palagi ang kanilang mga anak at hindi pahintulutang maligo sa ilog kung walang nakabantay na adult na marunong lumangoy.















