KORONADAL CITY – Nasa ligtas ng kalagayan ang dalawang bata matapos malunod ang mga ito sa lalawigan ng North Cotabato bunsod ng mga pagbaha.
Batay sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Koronadal, isang tatlong taon at pitong taon na mga babae ang mga biktima at kapwa residente ng Brgy. Kisante sa bayan ng Makilala.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Koronadal, tumatawid sa kahoy na tulay ang mga biktima sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan nang mangyari ang insidente.
Mabuti na lamang na na-rescue ang dalawang mga bata at sa ngayon ay naka-confine na ngayon sa isang pribadong bahay-pagamutan.
Ayon sa Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office, ang tatlong ilog ay tumaas ang lebel ng tubig kung saan ang Bulatukan River ang nakapagtala ng pinakamalakas na lebel na tubig.