-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Dead on arrival ang dalawang menor de edad sa pagamutan habang nasa 23 ang sugatan sa naganap na jeep road crash sa Zone 5,Kianos,Barangay Kiliog,Libona,Bukidnon.

Ito ay matapos nawalan ng preno ang public utility vehicle na minaneho ng isang Cornelio Danggoy habang binaybay ang makurbada na bahagi na daan na pauwi nasa sa Barangay Sambulawan,Laguindingan, Misamis Oriental ang mga nakasakay na mga biktima.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokepserson Police Maj. Joann Navarro na mula sa pagdalo ng vigil sa namatay na at nakihatid na rin sa huling hantungan ng yumaong kaanak ang mga biktima nang masangkot sila sa madugo na aksidente.

Sinabi ni Navarro na mabilis umano ang takbo ng jeep kaya hindi na nakontrol nang magka-mechanical mulfunction hanggang sa tuluyan na tumilapon ang ilang mga biktima.

Agad isinugod sa tatlong magkaibang pagamutan nitong syudad ang mga biktima subalit dalawa sa mga ito ang hindi kinaya ang mga sugat sa kanilag katawan.

Inihayag rin ng police investigator on case na batay sa accident survivors ay wala sa kanilang plano na sampahan ng kaso ang driver dahil kaanak nila ito at hindi naman sinadya ang pangyayari.