GENERAL SANTOS CITY – Patay ang dalawang miyembro nang tinagruiang basag-kotse gang, matapos na makipagbarilan umano sa mga pulis.

Batay sa impormasyon, nangyari ang insidente sa Brgy. Lagao sa lungsod, dakong alas-11:40, kagabi.

Kinilala naman ang mga napatay na suspeks na sina Josefino Emperado at Jeric John Daod.

Una rito, naabutan ng mga nagpapatrolyang kapulisan ang ginawang pagbasag ng dalawang suspeks sa isang kotse sa Ventilacion Streer sa nasabing barangay.

Kaagad na sumakay ang dalawa sa kanilang kotse bilang getaway vehicle, at nagpaputok pa raw ng baril sa mga pulis kaya’t dito na nagkahabulan at nagkabarilan.

Kapwa tinamaan ang mga suspek na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Narekober naman ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang caliber .45 pistol at .38 revolver, at mga iligal nga droga.

Iniimbestigahan pa ng mga pulisya ang naturang insidente.