LAOAG CITY – Nasunog ang dalawang bahay sa Barangay Nagrebcan, sa bayan ng San Nicolas dahil umano sa naiwanang nakasinding kandila.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng Bombo Radyo mula kay Barangay Chairman Joel Aliga, sinabi nitong naiwang nakasindi ang kandila sa bahay ni Samuel Pascua kasunod ng kanilang padasal.

Ayon kay Aliga, dahil sa laki ng apoy ay natupok rin ang katabing bahay ni Pascua na pagmamay-ari ni Marites Bonilla.

Nagtulong-tulong umano sila sa barangay para maapula a ng apoy hanggang makadating sa lugar ang mga bombero.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire and Protection (BFP) hinggil sa pangyayari.

-- Advertisement --