NAGA CITY- Sugatan ang dalawa katao matapos mabundol ng isang motorsiklo sa Barangay Caranan, Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Evelyn Conde, 50-anyos at Edna Dumaguin, 56-anyos parehas residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag alaman na habang nag lalakad ang nasabing mga biktima ng bigla nalamang itong mabundol mula sa likod ng isang Suzuki Motor Cycle na pinagmamaneho ni Sojie Pesino, 25-anyos.

Nagresulta sa pagkatamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa ospital.

Base sa imbestigasyon, napagalaman na walang naipakitang karampatang documentos sa mga otoridad ang nasabing suspect tulad na lamang ng driver’s license at rehistro ng motor.

Sa ngayon nagpapadagos pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.