ROXAS CITY – Arestado ang dalawang babae sa ikinasang drug buybust operation sa loob ng lodging house sa Barangay 8, Roxas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ana Nette Barredo, 33, ng Barangay 9; at Rosaly Villa, 30, tubong Brgy. San Esteban, Pilar, Capiz.

Narekober sa mga suspek ang 13 sachets ng pinaniniwalaang shabu, P1,000 na marked money at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.