-- Advertisements --

asg1

Arestado ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Taguig City.

Kinilala ni NCRPO Director P/MGen. Vicente Danao Jr ang mga naaresto na sina Taupik Galbun na kilala sa alyas na Pa Wahid at kapatid nitong si Saik Galbun alyas Pa Tanda.

Ayon kay Danao, nuong araw ng Sabado, July 10 pa nila nahuli ang dalawa sa Sitio Imelda, Upper Bicutan, Taguig City batay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Pasig City RTC dahil sa mga kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention.

Kapwa sangkot ang dalawa sa pagdukot sa anim na mga manggagawa ng Jehova’s Witness noong Agosto 2002 sa Patikl, Sulu kung saan, 2 sa mga biktima ang pinugutan habang ang 4 ay nailigtas ng Militar matapos ang ilang linggong operasyon.

Sila rin ang nasa likod ng pagdukot sa tatlong guro ng Landang Gua Elementary School sa Sacol Island, Zamboanga City noong 2009 habang papauwi matapos ang kanilang misyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng District Special Operations Unit ng Southern Police District (SPD) ang dalawa.