-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Lumikas ang mga sibilyan sa bakbakan ng magkalabang grupo sa lalawigan ng Maguindanao.

Unang sumiklab ang engkwentro sa Brgy Muslim Guindulungan Maguindanao ng mga armadong pamilya na kasapi umano ng dalawang Moro Fronts.

Lumikas ang mga sibilyan sa Barangay Sampao, Katibpuan at North Binangga sa bayan ng Talayan Maguindanao.

Agad na nagsagawa ng validation sa mga pamilyang apektado ang Ministry of Social Services and Development (MSSD)-Maguindanao upang matiyak na makakatanggap ang mga ito ng ayuda.

Ang validation ay pinangunahan ni Talayan MSWO Hadja Lydia Angagao katuwang ang MDRRMO-Talayan at ang baranggay local government unit.

Sa ngayon ay may ginagawang hakbang na ang Provincial Government katuwang ang militar,pulisya,MILF at MNLF para maayos ang alitan ng magkaaway na grupo.