CENTRAL MINDANAO- Lumikas ang mga sibilyan sa engkwentro ng magkaaway na grupo sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na nagka-engkwentro ang grupo nina Kumander Andy at Kumander Gapor sa Brgy Talapas Datu Montawal Maguindanao na mga myembro umano ng isang Moro Fronts.

Dahil sa tindi nang palitan ng bala sa magkabilang panig ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar sa takot na maipit sa gulo.

Tumagal ng halos isang oras ang bakbakan ng dalawang grupo gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Humupa lamang ang putukan nang dumating ang tropa ng militar at pulisya katuwang ang mga lokal na opisyal sa bayan ng Datu Montawal.

Dalawa ang napaulat na nasugatan sa grupo ni Kumander Andy at hindi pa matiyak sa panig ni Kumander Gapor.

Nagsisikap ang lokal na pamahalaan ng probinsya na maayos ang alitan ng dalawang grupo o rido.