-- Advertisements --

Arestado ang dalawang lalaki matapos ang tangkaang pagnanakaw sa isang Eurpean fine art fair sa Maastricht, the Netherlands.

Armado ang mga suspeks ng sledgehammer at kanilang pinagbabasag ang glass display cases.

Kabilang kasi sa mga nakadisplay mga mamahaling alahas at mga diyamante.

Hindi nakilala ang mga suspeks dahil nakatakip ang kaniang mga mukha.

Mabilis namang rumesponde ang mga otoridad kung saan kanilang dinisarmahan ang dalawang suspek na kanilang naaresto.