-- Advertisements --

Nakapagtala ang Zambales ng unang kaso ng Delta variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa 2-anyos na batang babae ayon kay Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr.

Base sa report, naunang nagpositibo sa virus noong Hulyo 28 ang ina ng bata na isang nurse.

Nakaranas ng lagnat, ubo at panghihina ang bata.

Hindi na binanggit pa ng gobernador kung saang munisipyo nagmula ang ina at ang bata.

Ipinadala ang samples ng bata sa Philippine Genome Center noong Aug. 5 at Aug.23 lang dumating ang resulta.

Sinabi ni Ebdane na kasalukuyang nasa quarantine center ang mag-aama at nag-request sila na ipadala ang specimen nito sa genome center.

Nagtaka ang mga local authorities kung bakit tanging ang bata lang ang nahawaan ng Delta variant sa kanilang pamilya.

Sa ngayon nagpatupad ng paghihigpit ang Zambales at contact tracing sa kanilang probinsya.