Arestado ang dalawang tauhan ng airport police matapos isagawa ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang entrapment operation kagabi.

Naaktuhan ang dalawang Aarport police na nangongotong sa mga drayber na kumukuha na pasahero sa bahagi ng NAIA Terminal 2.

Kinilala ni CITF chief C/Supt. Jose Chiquito Malayo ang dalawang suspeks na sina airport Police Officer 1 Pablo Atayde Jr. at airport Police Officer 1 Danilo Levite Jr.

Ayon naman kay PNP-CITF spokersperson Senior Inspector Jewel Nicanor, alas-9:30 kagabi nang isagawa ang entrapment operation laban sa dalawa.

Sinabi ni Nicanor madami na umanong reklamo ang kanilang natatangap sa ginagawang pangongotong ng mga nasabing airport police.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng CITF sa Camp Crame ang dalawang airport police.

Ngayong araw nakatakdang sampahan ng kaso ang dalawa.