Resbakuna sa CARAGA Region
-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matagumpay na nailunsad ng Police Regional Office (PRO) 13 ang kanilang ceremonial vaccination kaninang umaga para sa 66 tauhan ng Regional Health Service (RHS) 13. 

Ayon kay PRO-13 information officer PMajor Dorothy Tumulak, ang nasabing mga tauhan ay pawang mga medical frontliners na nakadestino sa PNP Caraga Regional Hospital sa Brgy. Libertad, Butuan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Tumulak na ang nasabing bilang ay nasa kanilang priority list dahil sila ang mag-aalaga sa mga maa-admit na mga pulis na madadapuan ng COVID-19. 

Kahit noong hindi pa dumarating ang Sinovac vaccines, handang-handa na ang kanilang mga medical frontliners na magpaturok ng bakuna.

Ang 66 na tauhan ay bahagi lamang sa mahigit 7,000 mga pulis sa buong rehiyon na kailangan dilng tuturukan.

-- Advertisement --