Ipinakilala na sa publiko ng federal government ang kauna-unahang detalyadong national system para sa tracking ng coronavirus pandemic sa Estados Unidos.

Ang COVIDView system ay magbibigay ng weekly updates para mamonitor ang pagkalat ng virus sa buong bansa. Base ito sa resulta ng mga gagawing test, mga taong nakararanas ng flu-like symptoms, pneumonia at gayundin ang mga nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Lynnette Brammer, mula sa Centers for Disease Control and Prevention, na mahala ang naturang tracking system dahil sa impormasyon na kaya nitong ibigay.

Malaking problema ang kakulangan ng coronavirus test kits sa Amerika dahil hinaharang umano nito ang kakayahan ng bansa na maintindihan ang pandemic at makagawa ng pinaka-epektibong paraan para labanan ito.

Ikinatuwa naman ng mga public health experts ang development ng Centers for Disease Control.

“I think the information will be valuable,” wika ni Marc Lipsitch, leading epidimiologist sa Harvard School of Public Health.