Inuulan pa rin ng pagbati ang newly wed celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez.

Ito’y isang araw matapos ang kanilang pag-iisang dibdib kasabay ng Chinese New Year.

Kapwa nag-post sina Megan at Mikael ng kani-kanilang wedding pictures na bakas ang isang simpleng church ceremony na sinasabing sa Subic, Zambales.

“Hello to Megan Young-Daez and it’s time for me to get used to Mikael Daez-Young 😂❤️ #Finally” caption ng 32-year-old actor sa larawan nila ng 29-year-old beauty queen wife.

Karamihan umano sa mga bisita ay pamilya ng bride at groom, gayundin ang ilang kaibigan sa showbiz tulad ni Saab Magalona.

Si Megan ay kapatid ng kapwa nito actress/model na si Lauren Young.

Taong 2017 nang unang beses kumpirmahin ng dalawa ang kanilang pagiging magkasintahan, bagama’t umabot na ng nine years ang kanilang relasyon.

Kung maaalala, ang Fil-Am na si Megan Young ang pinakaunang nakapagbigay sa bansa ng Miss World crown noong 2013.