-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 29 12 38 00

BACOLOD CITY – Umaasa ang mga opisyal ng Negros Occidental na mas mataas ang turn-out ng mga sasailalim sa mass testing ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Negros Occidental Provincial Administrator Atty. Rayfrando Diaz, umabot sa 2,730 ang mga unang nakuhaan ng swab samples.

Ito ay kinabibilangan ng 1, 301 nitong Huwebes at 1, 429 kahapon.

Nabatid na 10, 000 ang kabuuang target sa tinatawag na timeout weekend kung saan 5, 000 ang kukunin sa Bacolod City at 5, 000 naman sa Murcia, Bago City, Talisay City at Silay City.

Marami naman ani Diaz ang mga call center agents na nakibahagi sa mass testing.

Ang 4-day no movement period sa Bacolod ay nagsimula kahapon at magtatapos sa Agusto 31 ngunit ang mass testing ay isasagawa lamang mula Agusto 28-29.

Iniutos ng alkalde ang pagsasara ng lahat ng mga palengke sa lungsod ngunit may byahe ang public transportation.

Ang Bago City, Talisay City, Silay City at Murcia naman ay nakatakda bukas hanggang Lunes.

Wala namang lockdown sa apat na mga localities sa Negros Occidental dahil hindi nakakuha ng approval ng inter-agency task force ngunit may ipapatupad na border control points.