-- Advertisements --

Nasa 19 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa central Mexico.

Ayon sa State Attorney General’s Office, na agad nilang nirespondehan ng mga kapulisan ang tawag na mayroong bariliang naganap.

Pagdating ng mga kapulisan ay lumantad ang 19 na bangkay.

Karamihan sa mga biktima ay dumalo sa isang salo-salo sa bayan ng Las Tinajas, Michoacan state.

Maraming mga katao rin ang nasugatan na agad namang itinakbo sa pagamutan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril maging ang pagkakakilanlan sa mga suspek.