Patay ang isang 19-anyos na babaeng buntis na taga Guatemala matapos na mahulog sa US-Mexico border wall.

Ayon sa mga otoridad, tinangka ni Miriam Stephany Giron Luna na akyatin ang mesh barrier malapit sa El Paso.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na rin niya nakayanan ang mga sugat na natamo mula sa pagkakahulog na may taas na 19 talampakan.

Sinamahan pa ng mga US border patrol agents ang sinasabing partner nito na isang 26-anyos na dalhin ang biktima sa pagamutan.

Isinisi naman ng mga otoridad ang mga human smuggler kung saan na-enganyo ang biktima kaya umakyat ito sa bakod.