Tumaas ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila mula 12.7% hanggang 19.7 %sa pinakahuling monitoring ng OCTA Research Group.
Sinabi ni OCTA Research fellow Guido David na bahagyang tumaas rin ang national positivity rate mula 15.2% hanggang 17.1%.
Nagbabala si David na maaaring tumaas pa ang positivity rate ng Metro Manila sa mga susunod pang araw ng hanggang 25%.
Kaugnay niyan, bahagyang tumaas din ang hospital bed occupancy rate sa Metro Manila mula 22.5% na naging 24.7%.
Batay sa online COVID-19 tracker ng Department of Health, 867 na bagong impeksyon ang naitala na nagdala sa bilang ng mga aktibong kaso sa 7,565.
Nasa 4,096,335 na ngayon ang COVID-19 caseload ng bansa, na may 4,022,326 recoveries at 66,444 ang nasawi.
Una na rito, 392 sa kabuuang impeksyon ay naitala sa Metro Manila.