-- Advertisements --

Umakyat sa 18,659 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19 hanggang ngayong araw matapos na iniulat ng Department of Foreign Affairs ngayong araw ang isang panibagong infection.

Base sa datos ng DFA, ang total recoveries ay pumalo sa 11,400, habang ang bilang naman ng mga nasawi ay 1,168.

Sa kasalukuyan, mayroong 6,091 pasyente na nagpapagaling pa sa COVID-19.

Base sa datos mula sa DFA, lumalabas na 3,799 cases ang naitala sa Asia at Pacific region, kung saan 1,231 dito ay nagpapagaling pa at 2,546 pasyente recovered at 32 naman ang nasawi.

Sa Middle East o Africa, aabot naman sa 10,473 cases ang naitala kung saan 3,796 pasyente ang sumasailalim pa sa treatement, 5,913 ang recoveries, at 764 ang tuluyang binawian ng buhay.

Sa Europe naman, 3,403 Pilipino ang nagpositibo sa COVID-19, kung saan 949 ang nagpapagaling pa, 2,324 ang gumaling, at 130 ang pumanaw.

Samantala, jabuuang 984 cases naman ang naitala sa Americas kung saan 115 dito ang nagpapagaling pa, 627 ang recovered na, at 242 ang pumanaw.