-- Advertisements --

Umabot na ng 185,640 ang kabuuang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na matagumpay na napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa bansa dahil sa coronavirus pandemic.

Binubuo ang mga ito ng 35.04% o 65,048 sea-based OFWs habang 64.96% naman o 120,602 land-based OFWs.

Nasa 8,132 kababayan natin ang napauwi na rin mula sa Middle East.

Mayroon namang 1,299 arrivals mula Europe, kasama na rito ang mga medical repartiates mula naman Turkey, Malta at Spain.

Galing naman The America ang pangatlo sa may pinakamaraming repatriates na mayroong 1,089 OFWs at sinundan ito ng 981 mula sa Asya.

Kasali rin sa mga nakauwi na ng Pilipinas ang dalawang Filipino crew members ng lumubog na Panamanian-flagged Gulf Livestock 1 sa karagatan ng Japan.

Nakabalik na rin sa bansa ang walo pang Pilipinong manlalayag na na-stranded sa Ningde City, Fujian Province, China dahil sa mahigpit na travel restrictions sa nasabing bansa.