-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang rescue ng mga otoridad sa 18 katao na hindi nakalabas matapos na gumuho ang minahan nila sa Xinjiang region, China.
Mayroong kabuuang 40 katao ang nagtatrabaho sa minahan sa Yining county o 100 kilometro mula sa border ng Kazakhstan ng ito ay gumuho.
Nakaligtas ang 22 minero habang nananatili sa loob ng minahan ang 18 iba pa.
Makailang beses ng nagkakaroon ng aksidente sa minahan dahil sa kakulangang ng kaligtasan na ipinapatupad.