-- Advertisements --
Cebu City -Nasa stable na ngayon na kondisyon ang 18 healthcare workers ng Vicente Sotto Memorial Medical Center(VSMMC) matapos magpositibo ang mga ito sa coronavirus disease(COVID-19).
Sa opisyal na pahayag na inilabas ng pagamutan, kabilang sa mga nagpositibo ang 4 na doktor, 7 nurses, 2 nursing attendants, at 5 institutitional workers.
Sa mga nahawaan naman 8 nito ang may mild symptoms habang asymptomatic naman ang natitirang 10.
Samantala, nagsagawa na rin ng contact tracing at sarado naman simula ngayong araw ng Martes January 5 hanggang sa January 7 ang Operating room upang isagawa ang decontamination and infection prevention at control protocol.
Ngunit patuloy pa rin naman umano silang tumatanggap ng mga emergency surgical procedures.