Ligtas at nasa Iran na ngayon ang 18 Filipino crewmen ng Marshall Islands-flagged oil tanker na St. Nikolas na inagaw ng Iran sa Gulf of Oman, ayon iyan sa Department of Migrant Workers (DMW).
Nasa kustodiya ng mga awtoridad ng Iran ang mga Filipino Seaman.
Patuloy namang nakikipag-ugnaayan ang DMW at ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga awtoridad ng Iran para sa pagpapalaya sa mga Pilipino.
Nakipag-ugnayan din ang mga ahensya sa mga pamilya ng crew.
Samantala, ang kumpanyang namamahala sa nasamsam na oil tanker, ang Empire Navigation, ay nakipag-ugnayan din sa mga awtoridad at pamilya ng mga tripulante.
Naglalayag ang St. Nikolas patungong Turkey na may dalang langis mula sa Iraq.
Nauna ring inagaw ng US ang St. Nikolas habang nagdadala ito ng langis sa Iran sa gitna ng mga parusang inilagay dito.