-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Police Regional Office (PRO) 13 Director, Brigadier General Joselito T Esquivel, Jr, na nagpapatuloy ang anti-illegal drugs operation sa rehiyon na humantong sa pagkakumpiska ng P177, 590 na halaga ng ilegal na droga at na-aresto ang top 6 at top 8 illegal drugs personalities.

Nasa target list top six sa illegal drugs personalities ang suspek na si Ritchie Paulco Gemina alyas “Che-Che”, 32-anyos, dalaga, walang trabaho at residente sa Purok Million, Amat Street, Barangay Taft, Surigao City, Surigao del Norte ang na-aresto sa pamamagitan sa buy bust operation sa mga personahe ng Drug Enforcement Unit o DEU ng Surigao City Police Station, Surigao del Norte PPO.

Nakumpiska galing sa posisyon ni Gemini ang isang sachet sa shabu na may bigat na 0.05 grams at nagkakahalaga ng 590 pesos; isang 500 bill bilang marked money; cash na 710 pesos at isang Cellular phone.

Habang isang Allen Kim Capada Agarrado, 29-anyos, binata, painter na taga Purok 4, Barangay San Isidro, San Francisco, Agusan del Sur at nasa top 8 PRO13 target list ng illegal drugs personalities, ang nahuli sa pamamagitan ng buy bust sa nakaraang mga araw sa Purok 3, Brgy. 3, San Francisco, Agusan del Sur sa mga miyembro ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa San Francisco MPS, Agusan del Sur Provincial Intelligence Branch at 1st Agusan del Sur Provincial Mobile Force Company.

Nakumpiska galing kay Agarrado ang 15 sachets sa shabu na may bigat na 15 gramo at market value na 177-K; isang 500.00 bill bilang bust money .

Ayon kay Police BGEN Esquivel, Jr ang dalawang suspects ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.