Humigit-kumulang 17,000 na mga bata sa Gaza Strip ang naulila na at nahiwalay sa kanilang mga pamilya dahil sa giyera sa pagitan ng Israel ayon sa United Nations.
Nahihirapan din umanong hanapin ang mga pamilya ng mga bata dahil ang iba sa kanila ay sugatan at hindi na makausap bunsod ng pagkagulat sa mga nangyayaring putukan.
Sa isang panayam, sinabi ng United Nations na nangangailangan na rin ang milyon-milyong kabataan sa Gaza ng mental health support dahil sa pagkawala ng kanilang pamilya at sa patuloy na nararanasan nila sa gitna ng giyera.
Nakikitaan na kasi ang mga ito ng sintomas gaya ng high level of anxiety, walang ganang kumain, hindi makatulog, at nagkakaroon ng panic attack sa t’wing may putukang nangyayari.
Ayon sa Palestinian health ministry, mayroon ng 27,100 na katao ang nasawi sa Gaza simula ng mangyari ang giyera noong October 7 ng nakaraang taon. Sa bilang na ito, 11,500 ay mga bata.
Dagdag pa ng UN, wala umanong kinalaman ang mga bata sa problema ng dalawang bansa pero sila ang pinakanaaapektuhan sa kaguluhang nangyayari kaya naman nanawagan ang UN na magkaroon na ng tigil-putukan para sa kapakanan ng mga bata.