-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Negatibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 170 Bureau of Immigration (BI) officers na nakadestino sa Clark, Davao at Zamboanga airports.

Sa report na ipinaabot kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI port operations acting chief Grifton Medina, ang mga empleyado ng BI ay sumalang at negatibo raw sa covid rapid antibody tests.

Ang 128 BI personnel sa Clark airport sa Angeles City ay isinalang sa covid test noong Hunyo 23 ng medical team mula sa provincial capitol ng Pampanga.

Aabot naman sa 30 BI employees naman sa Davao City airport ay sumalang sa test noong Hunyo 7 at ang 12 personnel sa Zamboanga port ay nagpa-covid test naman noong June 18 ng mga medical frontliners mula sa local governments ng dalawang siyudad.

Ayon kay Medina ang mga BI personnel na naka-assign sa Mactan-Cebu, Kalibo at Iloilo ay kailangan pang sumalang sa rapid test.