-- Advertisements --
Iran Map
Iran Map

Kulong ang 17 Iranian citizens matapos na akusahan ng pang-iispiya para sa Central Intelligence Agency (CIA) ng United States.

Ayon sa Iran Ministry of Intelligence, nabuwag nila ang CIA spying ring at doon naaresto ang 17 katao.

Base sa nakuhang mga dokumento ng Iran, pinangakuhan ang mga naaresto na magkakaroon sila ng magandang trabaho sa Amerika, magkakapera at sila ay maninirahan sa Estados Unidos.

Bukod sa pagkakakulong ay maaaring patawan ng parusang kamatayan ang mga ito.

Nagkaroon ng lamat ang Iran at US matapos na mag-withdraw si US President Donald Trump ng 2015 Iran Nuclear deal.