-- Advertisements --
image 186

Pina-deport na ang ikatlong batch ng Chinese nationals na naaresto matapos masangkot sa illegal online gambling sa Pilipinas.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na nasa 17 Chinese nationals na lulan ng Philippine Airlines flight pabalik ng Wuhan, China.

Saad ng BI official na mahigpit na minomonitor ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang implementasyon ng deportation.

Nakapagsumite na rin aniya ng reports kaugnay sa status ng mga deportees.

Aniya, ang mga deported chinese nationals ay awtomatikong kabilang sa blacklist ng BI kung saan epektibong pinagbabawalan na ang mga ito na makapasok sa ating bansa.

Una ng napabalik ang unang batch ng anim na Chinese noong buwan ng Oktubre, sumunod ang 21 iba pa na nadeport nito lamang Nobiyembre.

Samantala, mayroon pang natitirang mahigit 300 foreign nationals ang nakatakdang ipadeport ng Immigration Bureau.