-- Advertisements --
PB EDGAR ARANADOR

ILOILO CITY – Umaabot sa 17 mga barangay sa Iloilo City ang sabay-sabay na ni-lockdown matapos nagkahawaan ng COVID-19 ang mga residente.

Sa Executive Order No. 95 ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, nakasaad na magtatagal ang lockdown sa loob ng 72 oras mula kahapon at magtatagal hanggang sa Myerkules, Setyembre 15.

Sa nasabing bilang 3 ang sa distrito ng Molo, tig-iisa sa Arevalo, Mandurriao at La Paz, siyam sa Jaro, at dalawa sa Iloilo City Proper.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Edgar Arañador, ng Balabago, Jaro, Iloilo City, sinabi nito na nagpapatuloy pa ang ginagawang contact tracing sa bawat barangay kung saan pahirapan na matukoy ang mga naclose contact ng nasabing mga COVID-19 positive.