Screenshot 2021 01 23 12 46 40

Kinumpirma ni Police Regional Office(PRO-7) Director Gen. Ronnie Montejo na 16 na police mula sa iba’t ibang parte ng Rehiyon 7 ang nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) halos apat na buwan ang nakalipas magmula ng wala na itong aktibong kaso.

Isinailalim na sa isolation at contact tracing ang mga nagpositibong pulis.

Mula sa 16 na naitala, 14 nito ang aktibong habang nakarekober na ang dalawa sa mga ito.

Nagmula ang mga nagpositibo sa lungsod ng Cebu at dalawa naman ay mula sa Bohol.

Kamakailan lang ng inanunsiyo ng Cebu City Police Office (CCPO) na nagpositibo ang isa sa mga tauhan nitong idineploy sa Basilica del Sto. Niño kasabay ng fiesta Señor.

Samantala, patuloy namang pinaalalahanan ng opisyal ang mga nasasakupan nito na sundin pa rin ang mga health protocols kahit pa man nakauwi na ito galing sa trabaho.