-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Sa unang pagkakataon, nakapagtala ang Caraga Region ng 16 na mga bagong namatay dahil sa COVID-19 na syang pinakamarami simula nang matamaan ng coronavirus ang rehiyon.
Maliban sa mga namatay ay nadagdagan naman ng 44 ang bagong kaso kungsaan 28 sa mga ito ay lalaki at 16 naman ang mga babae at 61-porsiento ay nasa edad na 21 hanggang 50-anyos.
Sa listahan ng mga namatay, nakapagtala ng tig-iisa sa mga bayan ng San Francisco at Trento sa Agusan del Sur, Cantilan at Barobo sa Surigao del Sur at Bislig City habang ang 11 iba pa ay parehong taga-Surigao City.
Sa kabuu-an, ang Caraga Region ay mayroon ng 3,158 na mga cumulative confirmed cases kungsaan 421 ang mga aktibong kaso, 2,584 ang mga nakarekober at 153 ang mga namatay.