-- Advertisements --
NPA

Nasa 16 umano na pampublikong paaralan sa sekondarya sa Metro Manila ang sangkot sa recruitment activities ng New People’s Army.

Ginawa ni Department of Education (DepEd) Undersecretary at Spokesperson Michael Poa ang naturang rebelasyon sa deliberasyon ng 2024 proposed budget ng DepEd.

Bagamat hindi na tinukoy pa ng opisyal ang nasabing mga institussyon na sangkot sa iligal na naghihikayat na umanib sa NPA.

Isiniwalat ng DepEd official ang naturang impormasyon para ma-justify ang hinihiling ng ahensiya na P150M confidential fund.

Nakakaalarama aniya ang banta ngayon mapa-recruitment man o iligal na droga sa mga paaralan.

Kung kayat humihiling sila ng confidential funds upang makatulong na mapigilan at makatulong sa mga awtoridad sa pagtugon sa naturang mga usapin.

Ayon pa sa DepEd official, 12% ng mga rebelde na sumuko mula 2016 hanggang 2022 ay mga menor de edad 12 hanggang 17 anyos.

Sinabi din ni Poa na mahigit 5,000 minors ang nadiskubre na may kinalaman sa drug-related activities mula July 2022 hanggang July 2023.

Sa nasabing bilang 871 menor de edad ang nasagip.

Kayat binigyang diin ng opisyal na ang oagbibigay ng pondo para sa confidential fund ay magpapadali sa kanilang trabaho upang magampanan ang kanolang mandato na mabigyan ng accessible at de kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral.