Screenshot 2020 06 13 13 03 30

CAGAYAN DE ORO CITY – Inaresto ng pulisya ang labing anim (16) ka mga student leaders ng Mindanao State University (MSU) na nagsagawa ng protesta sa Barangay Palao, Iligan City kahapon.

Ginawa ng mga estudyante ang protesta habang ginugunita ng bansa ang ika-122 taong Araw ng Kalayaan upang ipakita ang kanilang mahigpit na pagtutol sa anti-terror act of 2020.

Ayon kay Police Regional Office Region 10 (PRO-10) Regional Director Brig. Gen. Rolando Anduyan, inaresto nila ang mga estudyante matapos nilabag nito ang social distancing.

Aniya, pinagbabayad din nila ng multa ang mga raliyesta matapos nilabag nito ang physical distancing at health protocols may kaugnayan sa COVID-19 crisis sa nasabing lugar.