-- Advertisements --

Patay ang 16 na mga Venezuelan at Haitian migrant matapos ang pagbangga ng sinakyang nilang bus sa Mexico.

Ang nasabing aksidente ay nangyari highway na nagkokonekta sa Oaxaca at Puebla.

Naganap ang aksidente matapos na magdesisyon ang US na dagdagan nila ang itinayong border wall sa pagitan ng US at Mexico.

Inaalam ng mga otoridad ang mismong sanhi ng nasabing aksidente.