-- Advertisements --

ILOILO CITY – Desidido ang mga magulang ng isang dalagita na sampahan ng kaso ang dalawang binatilyo na gumahasa sa kanilang anak sa San Dionisio, Iloilo.

Ginahasa si alyas Inday, 16, Grade 10 student, ng mga suspek ang kinilala na sina alyas Toto, 16; at alyas Nonoy, 17-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Edgar Labisace, acting chief of police ng San Dionisio Municipal Police Station, sinabi nito na niyaya ni alyas Toto sa kanilang bahay si alyas Inday upang kumain kasama si alyas Nonoy.

Pagkatapos daw kumain ng mga ito ay uminom pa umano ng alak ang dalawang suspek kasama ang biktima.

Nang makaramdam ng pagkahilo si Inday, humiga ito sa silid ni alyas Toto at doon na nangyari ang panghahalay ng dalawang binatilyo sa naturang dalaga.

Nang nakauwi na ang biktima, doon na lamang siya nakapagsumbong sa kanyang magulang ang biktima at kaagad na dumulog sa otoridad.